Ashley Ortega, hiwalay na sa boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala (2024)

GORGY RULA:

Nag-break na pala last year si Ashley Ortega at ang binatang politician boyfriend niyang si Mayor Mark Alcala ng Lucena City, Quezon.

Isa ito sa mga cute na batang politician na bentang-benta sa TikTok ang pagsasayaw.

READ: Hunk boyfriend ng Kapuso actress na si Ashley Ortega, nahalal bilang mayor ng Lucena City

"Kinonfirm ko naman na I’m single now. Last year pa," pakli ni Ashley.

Nakatsikahan siya ng PEP Troika sa mediacon ng bagong drama series niyang Hearts on Ice, nung Biyernes, March 3, 2023, na ginanap sa GMA-7 Coop building.

Ayaw nang idetalye ni Ashley ang tungkol sa breakup nila ni Mark. Pero mutual decision daw ito, at okay daw siya ngayon.

"Ang focus ko talaga is my career right now. Ibubuhos ko ang lahat ng oras ko, ng effort ko sa show na to.

"Parang there’s so much on my plate right now, ang Hearts on Ice. Siyempre, tuluy-tuloy ang taping.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala pa ring time yung love life," napapangiting pahayag ni Ashley.

Masaya naman daw siya ngayong single siya.

"I’m really happy. I want to stay single. Kasi mas maraming nagagawa pag single ka.

"Priority ko talaga is my career, at ito talaga ang biggest break na nakuha ko, di ba?

"So, I think I have to put all my attentions here para hindi mahati ang oras ko sa ibang bagay," sabi pa ni Ashley.

Itong Hearts on Ice ang kauna-unahang figure skating drama series na pagbibidahan ni Ashley at Xian Lim.

Kasama sa cast sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, at Ina Feleo. Si Dominic Zapata ang direktor.

Magsisimula na ang Hearts On Ice sa Marso 13 pagkatapos ng Mga Lihim ni Urduja.

READ: Xian Lim explains sightings with Ashley Ortega; clarifies real score between them

JERRY OLEA:

Para talaga kay Ashley itong Hearts on Ice dahil sa matagal na siyang nag-figure skate.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Siya ay huling napanood sa mga Kapuso teleserye na Widow's Web (2022) at Legal Wives (2021).

Kuwento ni Ashley, "Nung Widow’s Web, hindi ko alam na meron pala silang ginagawang show for me. I found out na last year, so, ayoko namang isipin na they did it for me.

"And I was really grateful, and sobrang fulfilling ang show na ito kasi I get to do the things that I love, yung figure skating.

"So, talagang, I have to give so much effort on this show. Kasi ang taas din ng expectations ng mga tao sa akin."

Hindi pa raw gaanong nag-sink in kay Ashley na bida na siya ngayon at naipapakita ang galing sa figure skating.

"Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Hindi pa nagsi-sink in sa akin. I’m just really overwhelmed na ngayon focus pa rin sa taping.

"Kasi ongoing pa rin. Marami pa po kaming hindi nagagawa. That’s a long way to go. So, hindi pa talaga super na nagsi-sink in.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But, I’m really really grateful that I get to do figure skating and acting at the same time."

Nawa’y pusuan ng televiewers ang prime-time series nila ni Xian Lim.

Nawa’y maging mainit ang pagtanggap dito, at huwag maging sinlamig ng yelo.

Makakatapat ng Hearts on Ice ang The Iron Heart. Puso sa puso talaga ang labanan!

NOEL FERRER:

Bata pa lang si Ashley ay nag-figure skating na siya at lumalaban pa siya sa iba’t ibang competitions sa Pilipinas at sa ibang bansa.

"I started skating at the age of three, until 12 years old. I was competing in figure skating that time.

"Nakapag-compete na rin ako sa Asia, Japan. My first country na pinag-compete ko was Thailand.

"Tapos nag-China ako, tapos Japan, Malaysia, and the rest dito sa Philippines, locally.”

Hindi na nga raw niya mabilang ang mga napanalunan niyang medals mula sa iba’t ibang competitions na nasalihan niya.

"Hindi naman sa nagyayabang pero when we compete abroad kasi, sinasalihan namin mga sampung events.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi there are different kinds of ano, like mga artistic, may technicals. Maraming klase.

"So, every time we would compete abroad, siguro mga six times of performance na ginagawa namin. So marami na yun. Siguro, mga 80 medals ganun."

Sana, after this breakup, makagawa na ng mas mabigat na marka si Ashley sa showbiz at mag-focus na siya rito talaga.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

  • Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
  • Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
  • Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?
Ashley Ortega, hiwalay na sa boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Virgilio Hermann JD

Last Updated:

Views: 6106

Rating: 4 / 5 (41 voted)

Reviews: 80% of readers found this page helpful

Author information

Name: Virgilio Hermann JD

Birthday: 1997-12-21

Address: 6946 Schoen Cove, Sipesshire, MO 55944

Phone: +3763365785260

Job: Accounting Engineer

Hobby: Web surfing, Rafting, Dowsing, Stand-up comedy, Ghost hunting, Swimming, Amateur radio

Introduction: My name is Virgilio Hermann JD, I am a fine, gifted, beautiful, encouraging, kind, talented, zealous person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.